130 PARTYLIST APPLICATIONS TINANGGIHAN NG COMELEC

Umabot na sa 130 partylist applications ang  hindi tinanggap ng Commission on Elections para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nabigo ang mga naturang partylist na magsumite ng kumpletong requirements for eligibility para makasali sana sa nalalapit na halalan.

Aniya, hanggang 200 partylist ang inis­yal na nag-apply ngunit hanggang 30 lamang ang kanilang tinanggap at binigyan ng accreditation.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang ilang partylist na naghihintay na maresolba o madesisyunan ang kanilang inihaing motion for reconsideration.

Ang listahan ng mga eligible party­list at political party ay ipapaskil sa sarili nitong website kung saan posibleng sa susunod na linggo  ay makukumpleto na ito.

Samantala, hihi­lingin din ng Comelec sa bawat partylist na magsumite ang mga ito ng tig-sampung nominees. Maliban sa sampu ay hindi na a tatanggap ang poll body ng karagdagan pang mga pangalan.

CRISPIN R