CAMP CRAME –NAG-DONATE NG 130 patrol vehicles ang Korean government sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng proyekto ng Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, isinagawa ang turn-over ceremony sa Camp Tomas Karingal sa Quezon City, na pinangunahan ni PNP Chief, Dir. General Oscar Albayalde at Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Peace and Order, Bernardo Florece, Jr.
Kabilang sa mga donasyon ang 49 units ng Hyundai Elantra at 81 units of Starex Van na ibinigay ng Korea sa PNP.
Sinabi ni Bulalacao makatutulong ito upang mapaangat pa ang kakayahan ng PNP para sa kanilang anti-criminality at criminal investigation efforts lalo na sa mga lugar sa bansa na maraming nakatirang Koreano.
Sinabi naman ni Albayalde na ipapamahagi ang mga patrol car na ito sa Directorate for Investigation and Detection Management, Criminal Investigation and Detective Group, Anti-Kidnapping Group, Anti-Cybercrime Group at National Capital Region Police.
Maging sa mga City Police Offices ng Angeles, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Davao at Baguio. R. SARMIENTO
Comments are closed.