1,300 BAGONG CELL SITES NG GLOBE MATATAPOS NGAYONG TAON

GLOBE-2

SA PAMAMAGITAN ng suporta ng Bayanihan to Recover as One Act at ng Joint Memorandum Circular 01 ng ARTA, DILG, at iba pang kinauukulang ahensiya, nakakuha ang Globe ng 1,857 permits para sa 2020.

Ang mga permit na ito ay nagbigay-daan para makapagpatayo ang Globe ng 1,050 bagong sites at makumpleto ang  10,876  upgrades sa 4G/LTE. Umaasa ang Globe na matatapos ang pagtatayo ng 1,300 bagong cell sites ngayong taon.

Ang mga bagong sites ay itinayo sa mga lugar na higit na nangangailangan ng connectivity, kabilang ang Lanao del Sur, Sultan Kudarat, Antique, Iloilo, Leyte, Palawan, Aklan, Maguindanao, Cotabato, Misamis Oriental, at  Davao del Oro.

Bukod sa pagpapahusay sa mobile services, ang Globe ay magtatayo rin ng 600K broadband lines sa pagtatapos ng 2020, mas mataas ng 55% laban sa FY 2019, bilang pagkilala sa pagtaas ng internet usage sa tahanan para sa pag-aaral, negosyo, at trabaho dahil sa pandemya.

Sa pagdami ng FTTH ay magagawa na ng bansa na makipagsabayan sa mga kapitbahay nito pagdating sa bilis at total quality ng connectivity.

Nasa tamang direksiyon din ang rollout ng 5G. Sa kasalukuyan, ang  Globe ay may 708 sites para maging available ang 5G sa 17 key cities sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. Umaasa ang telco na 80% ng Metro Manila ang masasaklaw ng 5G technology sa pagtatapos ng 2020.

Samantala, ang network upgrades ng existing sites sa 4G LTE ay nagresulta sa positive customer feedback mula sa 1,098 siyudad, bayan at 80 lalawigan na nakararanas ngayon ng malaking improvements sa calls, texts, at data services.

Ang mga customer sa mga lugar na tulad ng Lucban, Quezon; Lobo, Batangas; Jolo, Sulu; Guinobatan, Albay; Limay, Bataan; Antipolo and Cainta in Rizal; Lapu-Lapu, Cebu; Legazpi City, Albay;  Angeles City, Pampanga; Malolos City, Bulacan; Pontevedra, Capiz, Sta. Rosa City, Laguna; Quezon City, Valenzuela City, Paranaque City, Las Pinas City, Manila in Metro Manila; Ormoc City, Leyte; at San Francisco, Agusan Del Sur ay nakararanas ngayon ng service improvements.

Ilang LGUs din ang nagpahayag ng kahalagahan ng connectivity sa kanilang mga lugar. Ilan sa partner LGUs na ito ay kinabibilangan ng mga nasa malalayong lugar tulad ng Liloan sa Cebu at Oriental Mindoro. Ang Globe ang unang tumugon sa panawagan para sa connectivity sa Liloan.

“It’s high time we bring development to the high mountainous parts of Liloan, which is one of the most beautiful and very rich in resources here in our town.  Let’s bring equal opportunity to them, the same opportunities our lowland barangays enjoy,” sabi ni Liloan Mayor Christina Frasco.

Pinuri rin ni Oriental Mindoro Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor ang cell site na itinayo sa kanyang lugar.

“Because of the COVID-19 pandemic, kinailangan ng probinsya ngayon na mag adjust sa bagong normal, karamihan sa mga transaction ngayon ay ginagamitan ng online. Karamihan ng mga ginagawa natin ngayon aythrough internet. Nung wala pa internet na ganun kaayos, putul-putol kailangan nakaganun sa bintana, kailangan naghahanap ka ng signal sa kabi-kabila. Pero ngayon with the very good signal that we are now starting to experience, kailangan natin ito,” paliwanag ni Dolor.

Comments are closed.