1,300 SURVEILLANCE CAMERA SA S. KOREA MILITARY BASE TINANGGAL

UMAABOT sa 1,300 surveillance camera sa base-militar ng South Korea ay tinanggal dahil sa national security risk nitong nakalipas na araw.

Base sa ulat ng Yonhap news agency nitong nakalipas na Biyernes, ang mga surveillance camera mula sa South Korean company ay nadiskubre at sinasabing nakakonekta sa specific server sa China subalit walang aktuwal na detalye na nag-leak.

Sa ulat naman ng isang South Korean military na ang mga camera ay hindi ginagamit sa guard operation sa heavily fortified Demilitarized Zone (DMZ) sa pagitan ng North at South Korea, bagkus ito ay gamit sa monito­ring training groups, perimiter fences at military bases.

Kasalukuyang isinailalim na sa proseso ang pagbili ng panibagong surveillance camera kapalit ng 1,300 camera na tinanggal kung saan pansamantalang hindi binanggit ang company firm ng ibang bansa.

Magugunita na noong nakalipas na taon, sinabi ng foreign minister ng Australia katuwang ang defence at foreign ministries ay tinanggal na rin ang mga surveillance camera mula sa Chinese firms kung saan nakakabit sa lahat ng pasilidad ng pamahalaan ng nasabing bansa dahil na rin sa security risk.

MHAR BASCO