TARLAC – ARESTADO ang 131 katao mula sa 101 operasyon ng mga awtoridad sa ilalim ng One Time Big Time (OTBT) ng Philippine National Police sa lalawigang ito.
Sa report na ipinadala ni Provincial Intelligence Branch Chief P/Lt. CoL. Luis M. Ventira Jr. kay PNP Provincial Director P/Col. Dave Poklay, nasa 32 anti-illegal drugs operations sa bayan ng Bamban, Camiling, Capas, Concepcion, La Paz, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Sta Ignacia, Tarlac City at Victoria, nasa 35 katao ang naaresto, na nakuhanan ng 43 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na 2.445 grams at 6 plastic sachets ng marijuana na may 18.881 grams.
Habang nasa 40 implementasyon ng warrant of arrest ang isinilbi sa mga bayan ng Anao, Bamban, Camiling, Capas, Concepcion, Gerona, La Paz, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Jose, Sta Ignacia, Tarlac City at Victoria, 40 katao ang nadakip kabilang dito ang apat na SIBAT Targets ng PIB.
Samantala, sa 10 implementasyon ng search warrant walo ang naaresto, at nakumpiska sa kanila ang 4 na cal .45 pistols, 4 na cal. 38 revolvers, 2 cal .45 pistol replicas, isang hand grenade at 5 plastic sachets ng shabu.
Sa 19 na illegal gambling operation sa bayan ng Camiling, Concepcion, Gerona, La Paz, Pura, Ramos, San Clemente, San Jose at Tarlac City, 48 ang nadakip, tatlo ang nakatakas, habang nasa P4,727 ang na-recover at iba’t ibang illegal gambling paraphernalia.
Tiniyak naman ni Poklay sa publiko na ipagpapatuloy nila ang paglaban sa mga lawless element partikular sa mga drug user at pushers sa buong probinsya, layon nitong maging ligtas ang mga mamamayan. THONY ARCENAL
Comments are closed.