(1,315 pasyente nagamot ng Pinoy doctors) 101 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 1,315 na pasyente ang matagumpay na napagaling ng mga doktor mula sa  coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa inilabas ng COVID-19 Case Bulletin no.51, hanggang alas-4pm ng Mayo 4 ay nadagdagan pa ng 101 ang nakarekober sa nasabing sakit.

Samantala, nakapagtala naman ng 262 na bagong kaso ng virus ang DOH dahilan para umabot na sa 9,485 ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Samantala, may 16 na naitalang namatay naman sa sakit kaya nasa kabuuang 623 na ang COVID death toll sa bansa.

Kaugnay nito, muli namang pinayuhan ng DOH ang publiko na sumunod sa social distancing, ugaliin na maghugas ng kamay at magsuot ng face masks upang mapigilan na mahawa ng virus. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.