NAKAUWI na ang 132 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Middle East nitong weekend.
Batay sa report, ang mga OFW ay dumating bilang isang grupo sakay ng Gulf Air Flight GF154 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Bahrain noong Sabado.
.Inasistihan sila ng Department of Migrant Workers at ng iba pang Filipino resource workers tulad ng Bahay Kalinga sa Kuwait bilang bahagi ng Overseas Workers Welfare Administration- Migrant Workers’ Office sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Kuwait.
Binigyan ng mga tauhan ng OWWA ang mga dumating na OFWs sa NAIA ng pagkain, transportasyon pabalik sa kani-kanilang probinsya, hotel accommodation kung kinakailangan at tulong pinansiyal.