132 FILIPINO AT  MALAYSIAN ARTISTS NAGPINTA PARA SA KALIKASAN

Sa kauna-unahang pag­kakataon sa ka­saysayan ng sining sa Pilipinas, napagsama-sama ang 132 Filipino at Malaysian artists sa inilunsad na joint art exhibition kasabay ng pagdiriwang ng taunang World Nature Conservation nitong Hul­yo.

Inorganisa ni Philippine Fauna Art Society (PhilFAS) founder Ms. Bing Famoso, mistulang nagtagisan ng husay sa kanilang mga obra ang 76 Filipino at 56 Malaysian artists sa binuksang exhibition sa Conrad Hotel Manila nitong Hulyo 28.

May temang “Of Art And Wine: Para sa Kalikasan” Philippines-Malaysia Joint Art Exhibition, inilunsad ito ng PhilFAS at Conrad Manila katuwang ang Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau, ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur at iba’t ibang samahan ng mga alagad ng sining sa Malaysia tulad ng Malaysian Art Society, Penang Art Society, ganoon din ang Universiti Teknologi MARA’s Faculty of Arts and Design.

Matutunghayan ang husay sa larangan ng sining ng dalawang bansa na parehong hitik sa likas na yaman.

Sa pahayag ni Famoso, layunin ng exhibit na imulat ang kamalayan ng publiko para sa pangangalaga sa kalikasan lalo na’t nanganganib ang flora at fauna species hindi lamang dahil sa climate change kundi dahil sa gawa ng tao na ilegal na pagmimina, poaching at iba pa.

Isinusulong ni Famoso ang kahalagahan ng panga­ngalaga sa kalikasan sa gitna ng pandemya. Agad namang nakatawag ng pansin sa mga kolektor ang mga obra ng mga Pinoy ka­tulad ng Visayan Warty Pig (Sus cebifrons) ni Kaye Agustin, Smiles in the Forest Palawan Forest Turtle ni Eileen Bondoc Escueta at iba pa.

Pinuri ni Philippine Ambassador to Malaysia His Excellency Charles C. Jose ang PhilFAS dahil napagsama-sama nito sa mga artist mula sa Malaysia at Pilipinas.

“I am pleased to commend the Philippine Fauna Art Society for bringing together artists from the Philippines and Malaysia in this initiative to bring awareness to the state of biodiversity among our fauna species and practical conservation measures… Our advocacy for global environmental sustainabi­lity can certainly benefit from having artists at the frontlines of nature conservation,” pahayag ni Amb. Jose.

Magtatagal ang exhibit hanggang sa Set­yembre 15. Maari itong matunghayan sa bitly.com/OAAWKalikasan at https://philippinefaunaartsociety.cargo.site. SUSAN CAMBRI

 

 

129 thoughts on “132 FILIPINO AT  MALAYSIAN ARTISTS NAGPINTA PARA SA KALIKASAN”

  1. 540595 879475Must tow line this caravan together with van trailer home your entire family quickly get exposed to the issues along with reversing create tight placement. awnings 330382

  2. I have noticed that in digital cameras, special sensors help to {focus|concentrate|maintain focus|target|a**** automatically. The particular sensors regarding some surveillance cameras change in in the area of contrast, while others utilize a beam with infra-red (IR) light, specifically in low lumination. Higher specs cameras from time to time use a mixture of both devices and probably have Face Priority AF where the digital camera can ‘See’ any face as you concentrate only upon that. Thank you for sharing your thinking on this site.

Comments are closed.