132 PULIS TINAMAAN NG COVID-19

NASA  132 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP)- Health Service hanggang sa araw ng Sabado, Enero 29 ay nasa 47,994 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,693 ang aktibo pang kaso.

Nasa 301 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit kaya pumalo na sa 46,175 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa kanilang hanay dahil sa COVID-19.
Nasa 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.