INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa halos 132,000 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos na makapagtala pa ang DOH ng 16,313 bagong kaso ng sakit hanggang nitong Agosto 26, 2021, base na rin sa inilabas nilang case bulletin no. 530.
Ayon sa DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,899,200 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 6.9% pa o 131,921 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa sakit at maaari pang makahawa, kabilang ang 96.1% na mild cases, 1.2% na severe, 1.1% na asymptomatic, 1.03% na moderate at 0.6% na critical cases.
Mayroon namang 9,659 pang pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t umaabot na ngayon sa 1,734,551 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.3% ng total cases.
Samantala, mayroong 236 pasyente pa ang binawian ng buhay dahil sa sakit.
Sa ngayon, nasa 32,728 na ang total COVID-19 death toll sa Pilipinas o 1.72% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon pa rin namang 201 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 201 recoveries.
Mayroong 125 kaso pa ang unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay nadiskubreng namatay na pala sa pinal na balidasyon.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 24, 2021 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 4.3% sa lahat ng samples na naitest at 3.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.
Dagdag pa nito, sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 kaya’t nagpaalala sa mga mamamayan hinggil sa istriktong pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.
“Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez
453389 473073Wohh exactly what I was searching for, appreciate it for posting . 476867
621595 555011Amazing beat ! I wish to apprentice whilst you amend your website, how could i subscribe for a weblog internet site? The account aided me a acceptable deal. I had been slightly bit acquainted of this your broadcast provided bright clear idea 314097