133 DAYUHAN HINARANG NG IMMIGRATION

immigration blacklist

UMABOT  sa 133 na dayuhan ang hinarang at hindi pinayagang makapasok ng Bureau of Immigration (BI)  sa Filipinas noong nakaraang taon.

Sa ulat kay Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina  na ang mga hinarang na dayuhan ay  bastos at walang respeto sa mga BI officer.

Mas mataas ito ng bahagya sa naitalang 129 na bilang noong 2017.

Nanguna sa listahan ng mga hinarang na ‘rude aliens’ ang  mga Chinese na may 37 katao,  habang 25 na American nationals, at 23 South Koreans.

Sila ay isinailalim sa immigration blacklist at hindi na maaaring makabalik ng Filipinas.

Pinayuhan ng BI ang mga dayuhan na iwasang maging bastos at iwasan ang paggamit ng mga hindi disenteng pananalita para insultuhin ang  immigration officers.

Sinabi ni Medina na ang  pagpunta at pananatili ng mga dayuhan sa isang bansa ay isa lamang prebilehiyo at hindi karapatan. “The entry and stay of foreigners in the country is only a privilege, not a right. Aliens are not allowed to verbally abuse or disrespect our immigration officers,” ani Medina.

Mahigpit na ipinatutupad ang polisiya sa pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhang  arogante  o ang mga nagsasa­lita ng hindi kanais-nais sa immigration officers.

Comments are closed.