SURIGAO DEL SUR – INIUTOS ng Surigao del Sur PNP at lokal na pamahalaan sa Lianga, Surigao del Sur, na magsagawa ng imbestigasyon sa napa ulat na mass poisoning sanhi ng kinaing spaghetti ng mga mag aaral sa kanilang Christmas Party.
Sa inisyal na ulat ng Lianga Municipal Police Station, 133 mag-aaral ang itinakbo sa pagamutan makaraang makaramdam ng panghihina, pagsusuka at pagkahilo matapos ang kanilang Christmas Party.
Target ng imbestigasyon na mapanagot ang responsable sa paghanda ng mga pagkain na siyang itinurong dahilan sa pagkalason ng 133 estudyante ng St Christine Elementary School.
Kaagad na dinala sa Lianga District Hospital ang mga biktima na karamihan ay mga bata na may edad na limang taon hanggang sampu.
Nabatid na 31 sa mga itinakbo sa pagamutan ang nanatiling under observation at matapos ang isang araw ay pinauwi na rin ang 102 studyante matapos malapatan ng lunas.
Sa ngayon ay nakakuha na ng sample ng spaghetti at iba pang pagkain ang mga tauhan ng Lianga Municipal Health Office at isinailalim na sa laboratory test upang malaman ang dahilan sa pagkasira ng kanilang mga nakain. VERLIN RUIZ
Comments are closed.