1,333 LUMANG JEEPNEYS BALIK-PASADA SIMULA SA AGOSTO 26

JEEPNEY10

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng karagdagang 1,333 traditionsl public utility jeepneys (PUJs) sa 23 ruta sa Metro Manila simula sa Miyerkoles, Agosto 26.

Ayon sa   Memorandum Circular 2020-040, maaaring bumiyahe ang traditional PUJs sa mga rutang nakasaad sa inilabas na MC kahit walang spe-cial permit.

Sa halip na special permit ay bibigyan ng QC Code ang bawat operator bago pumasada.

Maaaring i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula ngayon, ika- 25  ng Agosto.

Kailangan itong i-print at  ipaskil ng mga PUJ unit.

Ayon sa ahensiya, walang taas-pasahe na ipatutupad.

Bukod sa mga ito, kinakailangan na nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang PUJ unit bilang roadworthy o akma sa pagbiyahe sa kal-sada, at may valid Personal Passenger Insurance Policy.

Kabilang din sa requirements para makapag-operate ang traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng In-ter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang pag-operate ng 50% maximum passenger capacity ng PUJ.

Ang mga ruta na bubuksan alinsunod sa MC 2020-040 ay ang mga sumusunod:

T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA

T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional

T134 Bagbaguin – Malinta

T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP

T369 Libertad – PRC

T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires

T371 Blumentritt – Divisoria

T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto

T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto

T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit

T375 Blumentritt – Retiro

T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang

T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal

T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz

T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini

T380 Dapitan – Pier South

T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto

T382 Divisoria – Libertad via Mabini

T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge

T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.

T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez

T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz

T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.

Sa sandaling maging operational ang 23 bagong ruta, aabot na sa 149 routes para sa tradisyunal na mga jeep ang bibiyahe.

Ikinagalak naman  ng mga driver ng tradisyunal na jeep ang muling pagbubukas ng mas maraming ruta kasabay ng pagdaragdag din ng jeepney units sa Metro Manila.

Ilan sa mga rutang ito ay may mga driver na limang buwan nang walang biyahe.          VERLIN RUIZ

Comments are closed.