NASA 1,336 medical workers na ang tinamaan ng COVID-19 sa Filipinas.
Sa virtual presser ay iniulat ni ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 1,336 ang medical workers na apektado ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang ay 507 abg nurse habang 493 naman ay mga doktor.
Sa breakdown ng DOH sa mga nahawahan ng COVID-19 ay 74 ang nursing assistant, 47 medical technologist, 28 radiologic technologist, 11 midwives, respiratory therapist – 11.
Ayon pa kay Vergeire, mayroon pang 165 na iba pang health workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang mga barangay health worker, dentista, administrative aid at iba pa.
Sa nasabing bilang, 29 ang kabilang ang 22 doktor.
Comments are closed.