134.8 MILLION DOSES NG COVID-19 VACCINES, DARATING SA BANSA

DARATING  sa Pilipinas ang mahigit 130 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa loob ng anim na buwan.

Sa presentasyon ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa pagdinig ng House Committee on Economic Affairs, aabot sa 134.8 million vaccines ang darating sa bansa hanggang sa unang quarter ng taong 2022.

Ngayong Setyembre hanggang Oktubre ay aabot naman sa 61.5 million ang inaasahang darating na mga bakuna.

Sinabi ni Galvez na karamihan sa mga bakunang darating ay ide-deliver sa Central Luzon at CALABARZON.

Mahigit isang milyong doses ng Covid-19 vaccines naman ang ipapamahagi sa ilang mga rehiyon sa Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 52.792 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-deliver na sa bansa.

Samantala, mariing itinanggi naman ni Galvez ang akusasyon na mabagal ang pag-administer ng Covid vaccines sa bansa.

Katunayan aniya nasa upper bracket ang ranking ng bansa pagdating sa administration ng Covid-19 vaccination kung saan ika-21 ito sa 204 bansa sa buong mundo, ika-11 naman sa 47 bansa sa Asya at ikatlo naman ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN na mabilis ang proseso ng bakunahan. Conde Batac

77 thoughts on “134.8 MILLION DOSES NG COVID-19 VACCINES, DARATING SA BANSA”

  1. 7389 388385I like this post a whole lot. I will certainly be back. Hope that I will be able to read far more insightful posts then. Will probably be sharing your expertise with all of my associates! 982651

Comments are closed.