135 WATER PROJECTS VS EL NIÑO TINUTUTUKAN

NAKATUTOK ang pamahalaan sa 135 water projects.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR),  ito’y upang masiguro na sapat ang suplay ng tubig sa bansa sa gitna ng El niño phenomenon.

Iniulat ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na tumulong ang kanyang opisina para matukoy ang mga water sources sa naturang mga proyekto.

Dagdag pa ni Secretary Yulo-Loyzaga, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na pamahalaan ukol dito.          

DWIZ 882