MAHIGIT sa 135,000 overseas Filipinos (OFs) ang umuwi sa bansa dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 10,000 Filipino ang nakauwi kamakailan sa pamamagitan ng repatriation flights kaya umabot ito sa kabuuang bilang na 135,290 mula noong Pebrero.
Pinakahuling batch ng mga na-repatriate ay mula Middle East na ang karamihan ay nag-avail ng amnesty dahil sa overstaying.
Halos 3,000 seafarers din ang natulungan ng DFA na makabalik ng bansa, kabilang ang mga galing sa China, Japan, India, Canada at United States.
Nakatakdang umuwi ang unang batch ng reptriated Filipinos mula sa Lebanon, na naapektuhan ng pagsabog kamakailan.
Comments are closed.