TINATAYANG aabot sa 1,370 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang panibagong batch na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng Media Affairs Division Office, unang dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683 dakong alas-9:45 ng umaga.
Sumunod naman na dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685 na lumapag ng alas-9:55 ng umaga.
Habang ang 350 Pinoy repatriates mula sa Riyadh sakay ng Philippine Airlines flight PR654 ETA ay dumating naman ng alas-12 ng tanghali.
Samantala ang 320 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi sakay ng Etihad Airlines flight EY424 ay dumating naman kagabi . LIZA SORIANO
Comments are closed.