139 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

NAKAPAGTALA  ang Department of Health (DOH) ng 139 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Bagama’t mas mababa sa naitalang average cases sa nakalipas na linggo, mula Mayo 2 hanggang Mayo 8 na may 168 na kaso kada araw, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitalang 109 na bagong kaso ng Covid-19 noong Miyerkoles.

Batay sa COVID-19 tracker ng DOH, bumaba sa 3,177 ang active cases.

Sa ngayon ay pumalo na sa 3,687,567 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, na may 3,623,938 recoveries at 60,452 deaths.