139 KASO NAISAMPA SA LOCAL OFFICIALS SA SAP ANOMALY 

DILG Secretary Eduardo Año-2

NASA 139 na kaso ang naisampa laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na humahawak sa pondo ng cash subsidy program o ayuda ng pamahalaan sa harap ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) crisis.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ani Año, nakatulong sa ahensiya ang nasa 400 mga itinimbreng report para maimbestigahan ang mahigit 600 mga may kinalaman sa anomalya sa pamamahagi ng ayuda.

Sa naturang bilang, 250 na kaso na ang inihanda ng grupo ng PNP-CIDG, kung saan nasa kabuuang 139 na kaso rito ay naihain na sa piskalya.

Sa kaparehong datos, nasa mahigit 800 na sibilyan naman ang ina­resto dahil sa iba’t ibang paglabag tulad ng hoarding, pagmamanipula sa presyo ng mga pangunahing bilihin at profiteering.

Nauna rito, nagpahayag si Pangulong Duterte na handa siyang magbigay na P30,000 pabuya sa sinomang makapagtuturo o magbibigay impormasyon ukol sa isyu ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa gitna ng pandemya. DWIZ882

Comments are closed.