SA kabila ng nararanasang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay may 139 lugar pa rin sa Metro Manila kabilang ang 27 sa Pateros na nakapailalim pa rin sa granular lockdown.
Ito ay napag-alaman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa “Laging Handa” public briefing noong Oktubre 18.
Sa ilalim ng dating guidelines na inilabas ng pamahalaang lokal ng Pateros, ang kabahayan ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 at mga close contacts nito ay isasailalim sa granular lockdown sa araw kung kailan lumabas ang resulta na nagpositibo sila sa kanilang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Ang mga indibidwal na nasa kabahayan ng naka-granular lockdown ay pinagbabawalang lumabas ng bahay ng 14-araw maliban na lamang kung ang mga ito ay housemates ng mga close contact, health worker o non-health worker na nagtatrabaho sa health facilities, papaalis na overseas Filipino worker (OFW) pati na rin ang ang mga taong nag-aasikaso sa mga emergency health concern.
Ang pagbisita ay mahigpit din na ipinagbabawal sa mga kabahayan na nakapailalim sa granular lockdown.
Ayon sa huling datos sa mga kaso ng COVID-19 sa munisipalidad, nakapagtala ang Pateros ng malaking pagkabawas ng kaso ng virus na 148 noong Oktubre 18 kumpara sa naitalang aktibong kaso ng COVID-19 na 450 noong Oktubre 1.
Kabilang na ang 148 kaso sa kabuuang 7,668 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 7,420 sa mga ito ang naka-recover na habang 95 naman ang mga namatay sa virus.
Sa naitalang aktibong kaso ay 146 ang nasa isolation habang ang dalawang pasyente ay ipadadala pa lamang sa isolation.
Sa “Laging Handa” public briefing ay sinabi ni Malaya na ang pagpapatupad ng granular lockdown ay maaaring iimplementa kahit ano pang alert level ang isang rehiyon tulad ng Metro Manila na kasalukuyang nasa Alert Level 3.
Sinabi pa ni Malaya na sa 303 lugar na nakapailalim sa granular lockdown sa Metro Manila noong Oktubre 1 ay bumaba na lamang ito sa 139 lugar sa kasalukuyan. MARIVIC FERNANDEZ
179398 979642But wanna comment on couple of general items, The web site style is perfect, the content material material is genuinely great : D. 440959
406357 104010I undoubtedly did not realize that. Learnt something new today! Thanks for that. 606424
950285 688233Spot up for this write-up, I seriously believe this site needs a lot much more consideration. Ill apt to be once a lot more to learn additional, appreciate your that info. 648825
593633 131416I conceive this internet web site holds some real superb data for every person : D. 224640