1,399 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

NAKAPAGTALA  ng 1,399 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) ang nasabing bilang ay mula Abril 25 hanggang Mayo 2, 2022.

Mas mababa ito ng limang porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Abril 18 hanggang 24.

Nasa 200 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 215 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.3 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,998 sa 24,521 non-ICU beds ang gamit.

16.1 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 456 sa 2,830 ICU beds ang gamit.

Naitala na 723 ang severe and critical admissions, o 13.4 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.