(13K applicants kuwalipikado sa Labor Day online job fair) 300 HIRED ON THE SPOT

Silvestre Bello III

MAHIGIT sa 60,000 naghahanap ng trabaho ang lumahok sa online job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Araw ng Paggawa noong Sabado.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mahigit 13,000 aplikante ang kuwalipikado sa iba’t ibang trabahong inaplayan nila habang nasa 300 naman ang hired on the spot.

May 3,884 naman ang tinanggap na rin pero kinakailangang kumpletuhin ang mga hinihingi sa kanilang dokumento at sumalang din sa interview at exam.

Nasa 217 aplikante naman ang sasailalim sa skills training ng TESDA at may 224 ang kailangang magtungo sa Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE.

Sa Davao City, halos 40 ang hired on the spot habang mahigit sa 100 ang naghihintay na lang sa kanilang job interview.

Mahigit sa  26,000 trabahong lokal at sa ibang bansa ang inialok sa naturang online job fair na nilahukan ng 567 employers na nasa industriya ng manufacturing, business process outsourcing, health services, retail, at construction.

9 thoughts on “(13K applicants kuwalipikado sa Labor Day online job fair) 300 HIRED ON THE SPOT”

Comments are closed.