13K PWDs SA MAKATI  MAY P1,000 CASH ASSISTANCE

PWDs-1

NASA 13,181 na persons with disability (PWDs) sa Makati City ang makatatanggap ng  P1,000 cash assistance at food packs.

Ayon kay Makati Mayor Abigail “Abby” Binay nagsimula ng mamigay ng financial aid at food packs para sa mga PWDs noong Lunes, Marso 30.

Sinabi ni Binay na kabilang sa ibang sector na nakatanggap na ng financial aid at food packs ay ang mahigit 2,000 solo parents at mahigit 6,800 tricycle and jeepney drivers na naninirahan sa lungsod.

Bukod sa cash assistance at food packs ay sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang door-to-door delivery ng mga gamot, na dati nang ginagawa sa mga senior citizens mula edad 70 pataas at mga residente na bedridden, na ang pangunahing pakay ay mahikayat ang mga mamamayan na manatili na lamang sa bahay upanbg mapigilan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Ang mga senior citizens, mga buntis, gayun din ang mga indibidwal na mahina ang kanilang immune system ay mas madaling kapitan ng nakamamatay na virus. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.