13th AFF Women’s Championship: PH vs Australia

MATAPOS ang mahigit dalawang taong pahinga, magbabalik ang aksiyon sa big-time international football sa bansa bukas sa pagsisimula ng 12th Asean Football Federation Women’s Championship sa Rizal Memorial Football Stadium at dalawang iba pang venues.

Magiging grand homecoming ito para sa World Cup-bound Filipinas, bronze medalists sa 31stVietnam Southeast Asian Games, na sa wakas ay magkakaroon ng pagkakataong maglaro sa harap ng hometown fans kontra top-ranked Australia sa pagsisimula ng Group A action na tatampukan ng tatlong laro bukas.

Bukod sa Australians, ang Pinay booters, na dumating noong Martes matapos ang mahigit isang linggong pagsasanay sa Europe, ay nasa parehong grupo rin ng Indonesia, Thailand, Singapore at Malaysia.

Ang Group B ay binubuo ng defending champion Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, at Timor Leste, na ang mga laro ay magsisimula sa Martes, sa torneo na inorganisa ng Philippine Football Federation.

“We welcome our Philippine national women’s team and the other competing countries in the 12th AFF Women’s Championship. We look forward to exciting and thrilling action from our players in the spirit of fair play sportsmanship,” sabi ni PFF president Mariano Araneta Jr.

“Let us all support the Filipinas by coming over to watch and inspire them play at the Rizal Stadium in the next few days,” Araneta said in urging local fans to pack the arena.

“With the exploits of the Filipinas in the last Vietnam SEA Games football competitions still fresh in our memories, local football fans will finally be able to cheer and root for their soccer heroines in the flesh,” pahayag ni PFF general secretary Atty. Edwin Gastanes.

Umapela rin si national team manager Jeff Cheng sa lahat ng mga Pilipino na suportahan ang PH women’s squad, at sinabing: “This might be one of the rare occasions that we will get to see our Filipinas perform in front of a hometown crowd. Let us enjoy them while we can.”

Ang AFF Women’s Championship ang 12th edition ng premier regional tournament para sa mga babae na huling ginanap noong 2019 sa Chonburi, Thailand at napagwagian ng Vietnam, makaraang gapiin ang host squad, 1-0, sa finals.

Tumapos ang mga Pinay sa ika-4 na puwesto makaraang yumuko sa Myanmar, 0-3, sa duelo para sa third place at sasandal sa Filipino crowd para mahigitan ang naunang performance sa kanilang home pitch.