’13TH MONTH’ BABAYARAN NG PRO RATA

Presidential spokesperson Harry Roque

NILINAW kahapon ng Malakanyang na ang inaasam na 13th month pay ng mga manggagawa sa bansa ay babayaran ng “pro-rata.”

Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang paliwanag sa kanya ni Department of Labor and Employment Undersecretary Banjo Benavidez, partikular sa mga manggagawa na hindi nakapag-report sa trabaho ng ilang buwan bunsod ng ipinatupad na lockdown at pansamantalang pagsasara ng mga negosyo sa gitna ng pandemyang dulot ng Covid-19.

“Pro-rata based on the actual salary earned,” sabi ni Roque.

Sinabi ni Roque na ang ibig sabihin ng “pro rata” :”12 months iyan, kapag nagtrabaho ka ng 12 months mayroon kang 1 month na tinatawag na 13th month. Kung nagtrabaho ka ng anim na buwan, kalahati lang makukuha mong 13thmonth.

Ayon sa DOLE, ang 13th month pay ay ibinabase sa basic salary ng empleyado sa loob ng calendar year at dapat na maibigaysa mga manggagawa na hindi lalagpas sa Disyembre 24. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.