14.6M WORKERS BALIK-TRABAHO NA NGAYON

Joey Sarte Salceda

MAHIGIT sa 14 milyong manggagawa ang balik na sa kani-kanilang mga trabaho simula ngayon (Mayo 16), ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda.

Kasabay nito ay sinabi ni Salceda na dapat na ring paghandaan ng pamahalaan na madagdagan ng 2,500 ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang sa Mayo 31, batay na rin sa impact assessment na kanilang isinagawa sa pagbabago ng quarantine measures.

Aniya, sa ilalim ng quarantine regime, ang 14.6 milyong manggagawa na balik-trabaho bukas ay bukod pa sa mahigit 27 milyon na kasalukuyang pinapayagang makapagtrabaho on site.

Aabot naman sa 700,000 pang manggagawa ang hindi pa makababalik sa kanilang mga trabaho. Judith Estrada-Larino (DWIZ 882).

Comments are closed.