RIZAL- ATAKE sa puso ang sanhi ng kamatayan ng isang 14-anyos na batang babae habang ginigiba ng mga demolition team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang tahanan sa Antipolo City.
Kinilala ang nasawi na si Mica Antoinette Ferrer, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy., Mayamot sa nasabibg lungsod.
Nabatid na dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa, nang wasakin ng mga demolisyon team ang bahay ng 100 pamilya kasama ang mga armadong pulis at assault team kasama si Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay.
Ayon sa pamilya hindi nakayanan ng bata ang takot sa mga mahahabang baril na bitbit umano ng mga demolation team habang winawasak ang kanilang tahanan.
Hiniling din ng pamilya ang presensiya ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa katarungan ng namatay na bata dahil sa takot.
Habang pinabayaan naman umano ng Antipolo City Government ang 100 pamilya na sa semento na lamang ng covered court sa lugar kasama ang kani-kanilang anak sa kawalan ng relocation. ELMA MORALES