14 BARANGAYS SA CAGAYAN BINAHA

bagyong Ulysses

CAGAYAN-NABABAHALA na ang pamahalaang panlalawigang ito kaya’t nagpadala ng tatlong dumptrucks sa bayan ng Claveria para tumulong sakaling magsagawa ng rescue operation dahil sa napaulat na may labing apat na barangay na ang hanggang tuhod ang baha dulot ng walang tigil ang pagbuhos ng ulan.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng Task Force Lingkod Cagayan (TLFC), nagpadala na sila ng floating assets sa bayan ng Pamplona dahil din sa mga pagbaha at maging sa bayan ng Sanchez Mira.

Kasabay nito, inabisuhan din ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan na magsagawa na ng preemptive evacuation dahil sa patuloy na pag-taas ng lebel ng tubig sa ilog Cagayan.

Nagsasagawa na rin ng clearing operation sa naganap na landslide sa Brgy. San Juan, Santa Praxedes.

Nabatid na bukod sa walang tigil ng pag-buhos ng ulan sa Rehiyon, patuloy na nagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela na malapit na sa spiling level, kung saan ang ilog Cagayan ang nagsisilbing catch basin ng tubig mula sa dam at maging sa mga tubig ulan mula sa mga kabundukan sa mga kalapit na lalawigan.

Samantala, ayon kay Joefrey Borromeo, PDRRMO officer sa  Apayao na nagkaroon din ng flashflood sa dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan sa Sta. Felomena sa Calanasan, Apayao. IRENE GONZALES

Comments are closed.