14 BIFF MEMBERS SUMUKO

MAGUINDANAO- NAIS nang magbagong buhay ng 14 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kaya nagbalik-loob ang mga ito sa pamahalaan.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng BIFF-Bungos faction.

Sumuko ang 14 na BIFF sa tropa ng 57th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Jonathan Pondanera sa Barangay Mirab Upi, Maguindanao.

Tinanggap ang mga rebelde nina 603rd Brigade commander Colonel Eduardo Gubat, Ustadz Abdulatip Pinagayao, Maguindanao Cultural Affairs Office (MCAO) Planning Officer, LGU-Upi at LGU-North Upi.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang 12 high powered firearms na kinabibilangan ng isang 60mm mortar, M16A1 rifle, dalawang M203 grenade launchers, dalawang 7.62 M14 rifles, cal .30 garand rifle, cal .30 sniper rifle, cal .50 Barrett sniper rifle, dalawang rocket-propelled grenades at isang 12-gauge shotgun.

Kasama rin na isinuko ng 14 BIFF ang isang jetmatic improvised explosive device at apat na improvised hand grenades.

Ang mga sumuko ay nabigyan ng inisyal na tulong ng LGU-Upi at South Upi.

Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major/General Juvymax Uy sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde at sa kanilang pamilya na nagtiwala sa pwersa ng gobyerno.