PANSAMANTALANG isinara ang 14 na branches ng pangunahing fastfood ng Filipinas na Jollibee sa China.
Ang mga branch ay nasa Central Province ng China na Hubei.
Ang shutdown sa 14 na tindahan ng Jollibee ay bahagi ng ipinatutupad na hakbang ng gobyerno roon para maiwasan na ang paglaganap pa ng novel coronavirus.
Para naman makatulong, nagbigay ng libreng meals ang Jollibee sa mga front-line medical staff na tumutugon sa problema sa novel coronavirus.
Ang mga empleyado ng isinarang tindahan ay pinayuhan na manatili lang sa kani-kanilang mga bahay.
Comments are closed.