KAILANGANG sumailalim sa 14-day home quarantine ang mga Bulakenyong nais bumalik sa trabaho bilang pag iingat upang hindi lumala pa ang pagkalat ng sakit dulot ng coronavirus (COVID-19) sa Bulacan.
Nag-anunsiyo ng panibagong hakbang ang Pamahalaan panlalawigan ng Bulacan na idaan sa close monitor home quarantine ang mga gustong makakuha ng clearance para sa pagbabalik sa kanilang mga trabaho. Ayon kay Dr. Maria Elisa Villanueva, Bulacan Municipal Health Officer na kailangan sumailalim ng mga Bulakenyo gustong makakuha quarantine clearance bilang requirements sa pagbabalik ng trabaho ng mga ito sa kanilang kompanya.
Sisiguraduhin ng Lokal na Pamahalaan panlalawigan na ang lahat na makaka kuha ng clearance ay karapat- dapat at hindi hahayaang may makakakuha nito na hindi dumadaaan sa naturang proseso. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.