14-DAY QUARANTINE WAG NANG PAHABAIN

HINDI  na kailangan pang pahabain ang mandatory 14-day quarantine period.

Ito ang iginiit ni Vaccine Expert Panel Dr. Rontgene Solante, matapos na ma-detect ang unang dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.

Aniya, sapat na ang 14 na araw upang masubaybayan at maobserbahan ang mga sintomas ng nasabing nagpositibo sa virus.

Samantala, sa ilalim ng bagong alituntunin, ang mga biyahero na kumpleto na ng bakuna ay dapat na mayroong negatibong resulta ng RT-PCR na isinagawa sa loob ng 72 oras bago umalis sa pinagmulang bansa.

Samantala, umapela si Assistant Majority Leader Fidel Nograles sa gobyerno na madaliin ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines at booster shots lalo sa mga lugar na may mataas na “vaccine hesitancy”

Ito’y matapos na makapagtala ang bansa ng dalawang kumpirmadong kaso ng Omicron variant na galing sa isang OFW sa Japan at isang dayuhan na mula sa Nigeria.

Aniya, sa ganitong paraan ay masisiguro ang pagkakaroon ng dagdag na proteksiyon sa mamamayan kasabay ng pag-abot ng herd immunity sa buong bansa.