INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF MEID) ang pag-sasailalim sa 14-day quarantine ng mga in-bound travellers kahit ano pa ang vaccination status ng mga ito.
Ito ang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pagpupulong ng IATF kung saan tinalakay rin ang mga hakbang sa pagpasok ng mga biyahero sa bansa na nasa iba’t ibang klase ng kuwarantina at istriktong isolation muna ng 14 araw.
Nangangahulugan ito na kahit bakunado na ng COVID-19 o hindi ang biyahero na darating sa bansa ay kinailangan din na mag-isolate muna ito ng 14 araw bago tuluyang makapasok sa bansa.
“Uulitin ko po, bago na po ang polisiya natin – lahat ng papasok sa Pilipinas: 14-day quarantine, absolute facility quarantine nang sampung araw, ikapitong araw kinakailangan mag-PCR at maski negatibo kinakailangan pong manatili sa quarantine facility hanggang ikasampung araw,” sabi pa ni Roque.
Kaugnay nito, inatasan na rin ang Department of Health, Department of Foreign Affairs, Department of Transportation, Department of Labor and Employment, Bureau of Quarantine, Overseas Workers Welfare Administration na maglabas ng advisories kaugnay sa current testing at quarantine protocols.
Nilinaw ni Roque na sa ikapitong araw ng isolation ay required na ang mga pasahero isasailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) upang matiyak na ligtas sila sa COVID-19.
Subalit kahit negatibo sa RT-PCR result, ang mga dumating na biyahero ay kailangang tapusin ang quarantine period.
Inatasan naman ng IATF ang Department of Health, Department of Foreign Affairs, Department of Transportation, Department of Labor and Employment, Bureau of Quarantine at Overseas Workers Welfare Administration na ipaalam ang nasabing impormasyon sa mga inbound traveler.
Habang inatasan ang Department of Tourism na itatag ang One Hotel Command para sa mga inbound traveller. EVELYN QUIROZ
481159 206912I besides believe therefore , perfectly composed post! . 545364