14-DAY SELF QUARANTINE SA RETURNING OFWs SA KOREA PINAIGTING

SEOUL

SEOUL – HINDI agad nakapagtrabaho ang mga bumalik na overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea dahil inatasan muna sila ng kanilang mga amo na mag-self quarantine.

Ang atas na self-quarantine ay bahagi ng pag-iingat ng Korean government laban sa coronavirus disease (COVID 19).

Sa report, pagdating ng mga nagbakasyong OFW sa naturang bansa, dalawang linggo o 14 days munang magse-self quarantine ang mga ito bago payagan ng kanilang employer na makabalik sa trabaho.

Layunin umano ng nasabing hakbang ay upang masiguro na hindi sila apektado ng coronavirus.

Sa ngayon ay umabot na sa pito ang kumpirmadong patay sa South Korea dahil sa nasabing virus. EUNICE C.

Comments are closed.