NAGHAIN ng reklamo ang humigit kumulang sa 20 miyembro ng Indian community sa Iloilo sa Pasay City Prosecutors office ng kasong kidnapping at extortion laban sa 14 na Bureau of Immigration Officers na nakatalaga sa lugar.
Ayon kay Atty. Boy Magpantay, abogado ng grupo, ikinulong ng mga akusado ang kanyang mga kliyente sa loob ng isang lingo, sa kabila ng walang nagawang kasalanan o nilabag na alituntunin ng Immigration laws.
Dagdag pa ni Atty. Magpantay, umano’y hinihingian ng mga akusado ang kanyang mga kliyente ng tig’-isang milyon piso hanggang bumaba sa P350,00.
Ayon pa kay Atty. Magpantay, ipaaabot nila sa Ombudsman ang kanilang reklamo, upang mabigyan hustisya ang kanyang mga kliyente, at masolusyunan ang problemang ito sa lalong madaling panahon. Froilan Morallos