14 KILOS NG ‘LIVE ORNAMENTAL FISH’ NASABAT SA MACTAN AIRPORT

LIVE ORNAMENTAL FISH

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Mactan International Airport (MIA) ang 14 kilograms ng Live Fish na nagmula pa sa bansang Taiwan.

Ayon sa report na nakarating sa BOC main office sa Manila, ang mga naturang live fish ay walang Import Clearance galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Batay sa isinagawang inspection ni Customs Acting Warehouseman Niña Cheza A. Dela Peña at BFAR Quarantine Officer Ronald O. Cabiles, nakalagay sa mga plastic  ang naturang live fish  bago ipinasok sa loob ng karton.

Batay sa impormasyon na nakalap, ang mga live fish ay tinatawag na ‘Angelfish at Guppies’ na ginagawa bilang mga ornamental  o pang-display sa loob ng bahay.

Nadiskubre ito sa isinasagawang verification na walang prior clearances ito mula sa BFAR nang dumating sa bansa kung kaya’t agad ito inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ni Port of Cebu Acting District Collector Atty. Charlito  Mendoza.

Nabatid na nilabag nito ang Section 1113 (F) and (L) (5) in relation to Section 117 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS

Comments are closed.