MAAYOS s na nailipat ng Department of Education (DepEd) ang 14 iskwelahan ng Enlisted Men’s Barrio (Embo) villages sa “collective resolve” ng Makati at Taguig local government units (LGUs).
May mga isyu pa umano at appeals na hindi pa naisasapinal ng otoridadngunit pinal na ang paglilipat ng mga iskwelahan sa Taguig, ayon sa DepEd.
Ayon naman kay Vice President and Education Secretary Sara Z. Duterte, lumagda na sa isang kasunduan sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, at Makati City Mayor Abby Binay noon pang isang taon para sa full transition ng public schools’ operations mula sa Makati sa Taguig sa pagpasok pa lamang ng 2024.
Sa nasabing kasunduan, sasailalim ng pamamahala ng Schools Division of Taguig-Pateros ang 14 na iskwelahang — Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School and South Cembo Elementary School.
Nagpapasalamat ang Department of Education sa kooperasyong ipinakita ng pamahalaan ng Taguig at Makati, at sap agsang-ayon sa desiston ng Korte Suprema na walang malaking problema.
Kinikilala rin ito ni DepEd – National Capital Region Director Gilbert Sadsad kaya agad silang pinamahalaan ang 14 iskwelahan base sa direktoiba ng Department Order No. 23 na inisyu noon pang August 16, 2023.
Batay sa order, direktang isu-supervise ng Office of the Secretary pamamahala sa 14 schools, upang masunod ang transition plan.
Matatandaang naapektuhan ang Makati at Taguig ng desisyon ng Supreme Court sa kasong Municipality of Makati vs. Municipality of Taguig (G.R. No. 235316) na pumabor sa Taguig.
Sa kasunduan ng Makati at Taguig, pamamahalaan ng Schools Division of Taguig-Pateros ang 14 na iskwelahang nabanggit.
Samantala, patuloy pa ring inilalaban ng Makati ang pagmamay-ari ng University of Makatyin Fort Bonifacio Elementary School at Fort Bonifacio High School ns nakatayo ngayon sa West Rembo.
Unang iginawad ito sa Taguig ngunit umapela ang Makati at sinabing hindi sapat ang dahilang nakatayo ito sa isa sa mga barangay embo para mailipat ang pamamahala sa Taguig.
Wala pang pinal na desisyon sa nasabing usapin. NLVN