14 MIYEMBRO NG CPP-NPA SUMUKO

CENTRAL LUZON- DAHIL sa pinaigting na kampanya ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), 14 na taga-suporta ng CPP-NPA ang kumalas na bilang miyembro ng New Peoples Army(NPA).

Ayon kay PNP Regional-3 Director BGen Matthew Baccay katuwang ng mga pulis ang 84th IB 7th ID PA,at iba pang law enforcement.

Kabilang sa nag-withdraw ng suporta sa mga NPA ang Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) na nasa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP).

Iginiit ni Baccay na nagpapatuloy ang Local Peace Engagement activities katuwang ang DILG kung saan bibigyan ng oportunidad ang mga bo­luntaryong nagbalik loob sa pamahalaan.

Alok sa mga sumuko ang pagkakaroon ng marangal na hanap-buhay at mapayapang komunidad. THONY ARCENAL