MULI na namang nakapagtala ng pinakamababang kaso ng COVID-19 ang Navotas city na mula 17 noong November 8 ay mayroon na lamang itong 14 active cases nitong Martes.
Ang City Health Office ay nakatanggap ng 108 swab test results mula Philippine Red Cross, lahat ay negative.
“We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing their part in preventing the spread of COVID. Let us continue to keep each other safe by following the health protocols and getting ourselves vaccinated,” anang opisyal ng lungsod.
Nagsimula na ang Navotas sa roll out ng booster shots para sa mga seniors at persons with comorbidity kahapon.
Sa mga interesadong residente at employees ng Navotas maaaring i-set ang kanilang vaccination appointment sa https://covax.navotas.gov.ph/
Panawagan din sa mga magulang ng mga estudyante na residente o nag-aaral sa Navotas na pabakunahan na ang kanilang mga anak.
“We allotted 450 slots for the sites intended for pediatric vaccination. Get your children ages 12-17 years old vaccinated soon so they will be ready once face-to-face classes start. To keep our students safe, we will allow only those who have received complete doses of COVID vaccine to join the classes,” paalala ng pamahalaang lungsod. EVELYN GARCIA