14 PATAY SA LEPTOSPIROSIS

NEGROS OCCIDENTAL- NA­BA­BAHALA ang Bacolod City Council sa 14 na namamatay dahil sa sakit na nakukuha sa daga kaya nagpalabas ng resolusyon para palakasin ang kampanya laban sa banta ng leptospirosis, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa resolution ni Councilor Claudio Puentevella, chairperson ng City Council committee on health, inaatasan kasama lahat ng pamunuan ng barangay at City Health Office (CHO) na palakasin ang kampanya laban sa banta ng leptospirosis.

Base sa tala na nakuha mula sa Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Setyembre 2, nakapagtala ito ng 3,728 suspected cases ng leptospirosis, kumpara noong nakaraang taon .

Mula Enero hanggang Oktubre ay nakapagtala na ng 80 leptospirosis cases with 14 fatalities.

Paliwanag ni Puentevella na kailangan ng kumilos laban sa impeksyon ng daga at palalakasin ang information drive para malaman ang naidudulot at pinagmulan ng sakit na leptospirosis at ipakalat ang impormasyon sa lahat ng barangay sa Bacolod. VICK TANES