14 PULIS IGINUPO NG COVID-19

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID -19 na ngayon ay umaabot na sa 14.

Sa ulat ng PNP Public Information Office, isang lalaking pulis, 45-anyos na nakatalaga sa PNP Aviation Security Group ang namatay nitong August 12, 2020 matapos na maging infected ng COVID-19.

Samantala nadagdagan rin ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na  sa 3,098 na pulis.

Sa  ulat rin ng PNP Public Information Office,  kahapon ay may panibagong 63 na mga pulis ang infected ng COVID 19

36 sa mga bagong nagpositibo nakatalaga sa NCRPO, 8 sa National Operation Support unit, 7 National Administrative Support unit, 5 sa PRO CALABARZON, 3 sa PRO3, 2 sa National Headquarters at tig iisa sa PRO4B at PRO 6.

Pero magandang balita  dahil sa bilang  ng mga nagpositibo, 2,258 na ang  gumaling habang inoobserbahan pa ang 739 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,412 na pulis ang suspect case ng COVID -19. REA SARMIENTO

Comments are closed.