14 PULIS NA LANG GINAGAMOT VS COVID-19

LUMIIT sa bilang na 14 ang mga ginagamot na pulis dahil sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP)- Health Service hanggang Disyembre 25 habang dalawa naman ang bagong infected sa naturang sakit kaya umabot na sa 42,248 ang kabuuang kaso nito sa police force.

Isa naman ang nakarekober kaya mayroon nang 42,109 total recoveries.

Nananatili namang zero death simula Nobyembre 10, kung kailan huling natala ang nasawi na ika-125 na pulis.

Samantala, 1,791 pulis pa ang hindi nababakunahan sa COVID-19 kung saan 720 sa kanila ay mayroong medical condition habang ang natitirang 1,071 ay nangangamba o may sariling paniniwala laban sa bakuna.

Nasa 214,719 na pulis naman ang fully vaccinated habang 9,9600 pa ang naghihintay ng ikalawang dose.
EUNICE CELARIO