14 SYMPATHIZERS NG NPA SUMUKO NA

NUEVA ECIJA-DAHIL sa pinaigting na Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) nasa 14 na taga-suporta, ng New Peoples Army, (NPA) sa lalawigang ito ang sumuko na sa pamahalaan.

Sa report ni PRO3 BGen. Matthew Baccay, dahil sa tuloy-tuloy na campaign on anti-terrorism nagresulta ito ng boluntaryong pagtalikod ng suporta nang mga miyembro ng Liga nang Manggagawang Bukid (LMB) at Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon sa mga kalaban ng estado.

Sa tulong ng pinagsanib na puwersa 2nd Platoon 2nd PMFC, PNP at Philippine Army, naisakatuparan ang mga programa at seminar na suportado rin ng Department of Interior and Local Government(DILG).

Partikular na isinagawa ang information dissemination at situational interviews sa mga sympathizer at supporter.

Layon nitong maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga maralitang mangagawa.
THONY ARCENAL