DINAGDAGAN ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang bilang ng mga idineploy nitong tren sa gitna ng limitadong operasyon ng lahat ng rail services sa National Capital Region (NCR) dulot ng restrictions at pagkahawa ng mga tauhan nito sa COVID-19.
Sa isang Facebook post, sinabi ng MRT-3 na may kabuuang 14 train sets ang bumibiyahe ngayon mula sa 12 hanggang 13 trains magmula nang bumalik ito sa operasyon noong Lunes.
“Ito ay resulta ng mas maraming train drivers ng rail line na nag-negatibo sa COVID-19 matapos ang isinagawang RT-PCR (re-verse transcription-polymerase chain reaction) mass swab testing sa lahat ng empleyado nito,” ayon sa MRT-3.
Sa kasalukuyan, 860 mula sa 3,284 workers ng MRT-3 ang isinailalim sa COVID-19, kung saan 131 ang nahawaan.
“Sa limitadong operasyon ng MRT-3, tanging mga empleyado na nag-negatibo sa COVID-19 ang pinapayagang pumasok sa depot office at sa mga istasyon,” ayon pa sa MRT-3.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine, ang MRT-3 trains ay nag-ooperate sa 30 percent ng kanilang maximum passenger capacity o 372 pasahero kada train set o 124 pasahero sa bawat train car.
Nauna rito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na may kabuuang 522 personnel ng lahat ng apat na rail services sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay makaraang ipag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mass testing sa lahat ng railway personnel para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. PNA
897003 692556I like this weblog its a master peace ! Glad I observed this on google . 483854
591402 651738There is noticeably a bundle to learn about this. I assume you made certain excellent points in attributes also. 599954