140 DISTRESSED OFWs MULA KUWAIT NAKAUWI NA

OFWS-KUWAIT

MAY kabuuang 140 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang nakauwi na, ayon sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Bahagi ito ng repatriation program ng OWWA at ng Department of Migrant Workers (DMW) upang matulungan ang mga nangangailangan ng repatriation.

Sinalubong ng OWWA airport team ang mga OFW na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 3 mula Kuwait noong Biyernes.

Tinulungan sila sa food, hotel accommodations, at transportation pauwi sa kanilang mga probinsya.

Nagkaloob din ang OWWA ng tulong pinansiyal sa mga OFW.