GENERAL SANTOS CITY – NASA 140 pamilya ang lumikas mula sa kanilang tahanan nang umapaw ang mga ilog bunsod ng matinding pag-ulan sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni Dr. Agripino Dacera Jr., City Disaster Risk Reduction and Management Office head, dahil sa Intertropical Convergence Zone ay naitala ang walang tigil na pag-ulan dahilan ng biglaang pagbaha sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Dacera na umabot hanggang baywang ang taas ng baha kung saan 12 sa barangay ng lungsod ay lumubog.
Isinisi naman ng awtoridad sa baradong kanal ang pagbaha sa Barangay Baluan habang high tide din sa Sarangani Bay na nakaapekto sa mga coastal area.
“Most of the flooded areas were situated in the low-lying parts of the city,” ayon pa kay Dacera.
Sa Barangay Lagao, 23 pamilya ang napilitang lumikas, 60 pamilya rin mula sa Purok Malipayon at tatlong pamilya sa Purok San Lorenzo, Barangay Apopong ang umalis sa kanilang bahay sa pangambang mapahamak.
Pinakaapektado ng flashfloods ang mga nakatira malapit sa mga ilog ng Makar at Silway. PMRT
124713 121395I enjoy this information presented and possesses given me some type of resolve forpersistance to succeed i really enjoy seeing, so sustain the exceptional work. 439968
422030 184696Hello! I simply would like to give a huge thumbs up for the great information youve here on this post. I may possibly be coming back to your weblog for more soon. 429581