140 PASAWAY SA KALYE SINITA

HPG

QUEZON – NASITA ang 140 motorista ng Quezon-HPG sa isinagawang National Simultaneous One Time Big Time Operation ng PNP Provincial Police kasama si LTO Enforcer Zaldy Ramos, at ang HPG Force Multiflier, at Lucena-PNP noong Biyernes.

Pahayag ni Capt Charlie Reyes, hepe ng PNP Provincial Police Office, ang mga nasita ay lumabag  sa iba’t ibang batas trapiko gaya ng hindi pagsusuot ng helmet, seatbelt at pagdadala ng hindi lisensiyadong sasakyan.

Nagsimula ang operasyon alas-7 ng umaga at natapos ng alas-5:00 ng hapon.

Ang naturang operasyon ay naglalayong maiwasan ang carnapping. BONG RIVERA

Comments are closed.