UPANG lalo pang mapalawak ang pagbabakuna kontra COVID-19, dinagdagan pa ng pamahalaan ng Quezon City ang vaccination sites.
Umabot na sa 140 vaccination sites ang operational sa lungsod.
“We are expanding and intensifying our vaccination program to accommodate the city’s eligible population, estimated at 2.8 million residents, including 5-11 year old children. This figure does not include the thousands of non-resident workers who also get their shots in the city,” pahayag ni Belmonte.
Matatagpuan ang vaccination sites sa health centers, malls, schools, community venues, churches at special venues gaya ng Smart Araneta Coliseum at Quezon Memorial Circle.
Gayundin, mayroong vaccination sites sa loob ng subdivisions at private work spaces, government agencies, care homes, at iba pang closed institutions.
Patuloy din ang home vaccinations para sa mga bedridden at differently-abled populations pati na ang drive-thru jabs sa ilang mall parking lots.
Kasabay nito, inihayag din ng pamahalaang lungsod na binuksan na rin ang pharmacy-based.