1,400 BAGONG KASO NG COVID-19

DOH

NASAS  1,400 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (Disyembre 8), umabot na sa 442,785 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,325 o 5.7 porsiyento ang aktibong kaso habang 84.8 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsiyento ang asymptomatic; 0.32 porsiyento ang moderate; 2.8 porsiyento ang severe at 5.5 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

98 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 8,670 o 1.96 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Bagong gumaling sa COVID-19 ang 139 pasyente na naghatid sa 408,7902 o 92.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Comments are closed.